SomBeat.com
PAG-AMIN
POP, R&B, UPBEAT (MALE SINGER)
Share Direct Link
Sa unang pagkikita ‘Di na maipaliwanag ang nadarama Parang ang isip ko’y nagkukusa Na hawakan at lapitan ka May kung anong hiwaga Para kasing puso nati’y nagtutugma Nang magtagpo ang ating mga mata Matagal na ba tayong magkakilala? Huwag ka lang mangamba O ‘di kaya’y magtaka, nais ko lamang mag-usisa Itanong sa’n tayo unang nagkita Refrain Kay hirap mabasa Ang isinulat ng tadhana Ngunit sayong mga mata Para bang hinaharap ay nakita Chorus Ngunit paano aaminin Itong aking nililihim Ang bawat panalangin Ibubulong na lang sa hangin May pag-asa bang mahalin? Kung sakaling sasabihin Maaari bang ika’y maging akin? Tunay na natatangi ka, Ang iyong tawa, animo’y musika Na hinding-hindi nakakasawa Oh, sinta, hulog ka ba ng tala? Nais ko nang maniwala Hindi lang tayo isang gunita May angking hiwagang dala Ito na ba ang panahon nating dalawa? (BACK TO REFRAIN AND REPEAT CHORUS 2X) Bridge Natatakot mabigo Kaya’t minabuting itago Pero hindi na kayang isipin Kahit pa puso’y pilitin Ako’y sa’yo at ikaw ay akin (BACK TO CHORUS 1X) Outro Ito na nga at aaminin Ang aking nililihim Walang ibang hiling Kundi ikaw ay makapiling Sana ako ay sagutin Kapag aking sasabihin Handa ka bang maging akin? Oh, maharani, maaari ka bang maging akin? (Fade) Nagpapahiwatig na ng aking pag-ibig, pag-amin...
Download Music and Video
Sign up now and you will be able to download MP3 videos and music!